Wednesday, June 1, 2011

The Four Adams of Philippine Television


by Robert Manuguid Silverio



Dekada 90 nu'ng mapanood natin once-a-night every week sa telebisyon ang isa sa mga longest-running TV shows on TV- ang "Palibhasa Lalake" na pinagbidahan nina Richard Gomez, the late Johnny Delgado, Joey Marquez at John Estrada. More than five years na ngayon, wala na sa ere ang nasabing TV sitcom. After that, wala nang nangahas o nangopya ng isang plot na ganun ang tema at puro lalaki rin ang bida. Mahirap na yatang gayahin ang nasabing klasikong TV sitcom na "brainchild" ng silent genius of the TV industry- walang iba kundi si Mr. Jake Tordesillas (isang beteranong movie scriptwriter, at ngayon, isa na siyang creative consultant sa channel 7 mula nang umalis siya sa channel 2). Kakaiba ang landmarks and achievements na narating ng "Palibhasa Lalake" sa telebisyon. We remember, nu'ng height ng pagiging top-rater ng "Palibhasa Lalake" sa channel 2 noon, there were about 12 TVC's (tv commercials) in each commercial break. Talagang tabong-tabo ang channel 2 sa nasabing hit sitcom noon. Malaki ang ibinigay na pera nito sa channel 2 at ang nasabing show ang talagang nagpasikat sa said channel, na we believe, naging very selfish kay Mr. Jake Tordesillas. Anyway, we'll just tackle about this later on. Iba kasi ang topic natin now. It's about a new show, and the arrival of the new "four adams" of Philippine television.




Yes, dear readers of Aliwan Avenue, may bago na namang TV show na ipapalabas ngayon which deals about men again and their vanities, this time sa channel 13. Pinaghalong "Palibahasa Lalake" at "Sex In The City" ang format ng show. It deals with the lives of four young and handsome males- in pusuit of love, sex, stability and good health. Kaya naman sa ginanap na mini-press conference ng "All About Adam" kahapon (October 20) sa Dampa, Farmers Market, very supportive kay direk ang major cast ng new TV show na ito- yung "apat na adan", kasama ang dalawang "eba" na sina Charmilyn Mamaradlo at Mhur Jung (both theater actresses na semi-mainstays sa said show).



"It's more on the comedy genre pero nasa health ang issue", sabi pa ng creator ng show na walang iba kundi si direk Julius Roden. "It's a combination of comedy, drama, suspense din, na may pagka-reality show din ang tema, may sex, and it deals with the lessons of everyday life sa apat na lalaking mainstays sa show. "Yung pilot episode telecast namin, hindi yun ang mako-consider naming episode 1 ng show", dugtong na sabi pa ni direk Julius. "bale dun sa pilot telecast, i-introduce muna namin ang apat na major characters ng show. Bale magbe-bestfriend sila at magdyo-journey sila sa underground music. Ipakikita dun ang bonding nila with each other. Yung mga gimikan gigs nila. Pero sa pilot telecast na yun, makikita na ang conflict between the 2 male characters na sina Josh and Jeremy. May scenario na tatraydurin ni Josh si Jeremy dahil lang sa isang babae."



Based sa mga Facebook link-videos ni direk Julius on All About Adam, lalo na ang ang mga trailers and teasers ng show, tila very entertaining ang said new show. Aliw na aliw panoorin ang mga bida, very fresh-looking and wholesome (hindi sila yung tipong pang-indie films na actors na nagpapa-sexy lang), but got great potentials to be good actors in the serious category. Although si Migui Moreno na pinaka-bida sa lahat ay nakagawa na ng mga films, commercials and TV shows in the past years- at siya lang ang actor dito na datihan na- still, he looked so fresh, lovable and very refreshing pa rin. Hindi siya magpapahuli sa tatlo pa niyang mga kasama sa show na pawang mga "first-timers" in the field of acting.



Sa October 30 (Saturday) na ang pilot airing ng "All About Adam" sa channel 13. Marami na talaga ang nag-aabang sa show na ito. But it's definitely going to be worth the wait naman . So there. In the meantime, kilalanin muna natin briefly ang apat na male lead cast ng TV show na "All About Adam":



MIGUI MORENO


May maganda nang pangalang nalikha si Migui sa mundo ng entertainment field, maski na sa mundo ng pelikula. Nakagawa na siya ng mga mainstream movies, lumabas na sa mga drama shows on TV, sankaterbang TV commercials, and the likes. Kaya naman good support bale siya sa co-mainstays niya sa A,A,A. dahil siya lang ang mako-consider na nasa mainstream field na as an actor, compared to the other three na talagang fresh discoveries pa lang. Mas nagmarka si Migui sa mga TV commercials- at memorable TV commercials niya ang Benadryl cough syrup (siya yung bida dun na may kasamang aso), Jollibee burger steak, Myra 300-E, Banco de Oro, at marami pang iba. But after Migui's more than five-year stint in the movies and TVC's and the likes, he shifted to theater. "Kaya nga medyo nawala po ako sa limelight a few years back ay dahil nag-teatro ako", sabi ni Migui. "I joined Bulwagang Gantimpala theater group. Malaki po ang naitulong nun sa akin to further enhance my craft as an actor. Then, nag-appear na rin ako soon after sa ilang decent indie films."



Yearly, gumaganap si Migui bilang Jesus Christ sa stageplay na Kristo, isang senakulo na idiniderehe yearly ni Lou Veloso. Lumalabas din siya ngayon sa ilang theater productions ng PETA under direk Soxy Topacio. And in-between Migui's many acting commitments now, nagagawa pa rin niyang ibigay ang kanyang atensyon sa pag-aaral. he's back to school at College of San Benilde, taking -up Industrial Design. At may isa pa rin siyang TV show ngayon sa channel 13, ang "Kroko", sa direksyon naman ni Carlo J. Caparas.


Sa bagong TV show na All About Adam, papel ng isang pabling na lalaki na maraming girlfriends ang magiging role ni Migui. Siya rin ang magkakasakit ng AIDS dito, at ang pangalan ng character niya dito ay Paulo Morales.


"Na halos kabaligtaran po talaga ng totoong karakter at pagkatao ko sa buhay", nangiti pang sabi ni Migui. "In real-life kasi, I am very conservative and monogamous sa relationships. Ayoko ng maraming girlfriends. Dito sa All About Adam, I have to act-out a character na mahilig sa sex at pabling nga, kaya medyo na-challenge talaga ako."



PHILIPP DUNKEL


Si Philipp ay first-timer lang din talaga sa acting business. He is 21 years old at miyembro siya ng bandang United By Fate, na sankaterba ang gigs recently. He is half-Filipino and half-German. He stands 5'10". "I landed into this acting business when I was introduced by my friend Jo to direk Julius Roden", wika ni Phillip. "Then, nag-audition po ako sa kanya and I had a series of acting workshops. Kaya first time ko po talagang umarte, at medyo excited talaga ako sa magiging outcome ng aming TV show."



But what can he say about this new, braver world that he entered- ang acting?


"Malayong-malayo po siya sa musical world na siyang pinanggalingan ko", sagot ni Philipp. "Pero masaya. Nag-enjoy po talaga ako."



Sa TV show na All About Adam, papel din ng isang band-member ang ginagampanan ni Philipp. He is playing the character of Jeremy Cabrera, a young guy in pursuit of his dreams.



MICHAEL IGNACIO


In person, malaki ang pagkakahawig ng baguhang si Michael Ignacio sa veteran film actor na si John Regala. Pati pagngiti, hugis ng mukha at pagka-mestizo- hawig na hawig talaga siya ni John (na napaka-guwapo din talaga nung siya ay bagets pa, nagka-edad na lang nga ngayon). Anyway, back to Michael, very macho ang pangangatawan ng baguhang ito. Oozing siya with sex appeal.



"This year lang ako talaga pumasok sa showbiz", kuwento naman ni Michael. "Na-discover ako ni direk Julius through Facebook and Youtube. Pero magmula pa nung bata ako, talagang gusto ko nang pumasok sa pag-aartista. Ang una ko ring dream ay maging isang singer."



Michael is 24 years old and he stands 5'8". Ang idol niya sa pag-arte ay si Christopher de Leon. Ang crush naman niya ay si Kim Chiu. Sa A.A.A., si Michael ang gumaganap sa papel na Drew Smith, isang gym instructor na medyo weak ang character at laging iniiwan ng girlfriend.



JEFFREY CANLAS


Sa lahat ng "Adan" na nabanggit sa itaas, itong si Jeff ang pinaka-hmmmm... yummy! Sa true lang, direk Julius! Yummy, in the sense na napakagandang ngumiti ni Jeff, napaka-charming tignan, napaka-cute at napaka-gentle-mannered. Isang tingin mo pa lang sa kanya, alam mo nang maganda ang breeding niya at pamilyang pinanggalingan. Du'n sa isa sa mga videos ng A.A.A. na na-post sa Facebook, kung saan naka-towel lang silang lahat at kumakanta, si Jeff yung guy na pinakamalikot doon at pinaka-funny. Ulit-ulitin mo man siyang tignan sa said video, hindi ka talaga magsasawa.


Jeff stands flat 6 feet. Pero nope, hindi siya mahilig maglaro ng basketball. Ang sports niya ay tennis at swimming. He used to be the vocalist of a perpussion metal rock band called "Ethigma", kaya masasabi nating orig na rocker talaga itong si Jeff. Tulad din ni Phillip Dunkel na co-mainstay niya sa A.A.A.


Right now, Jeff is taking-up Nursing at UERM. He had attended several acting workshops bago sila nagsimulang mag-taping sa said new TV show. And he enjoyed acting so much.Ang role ni Jeff sa show na ito ay siya si Josh Jimenez, ang medyo pabling din na Adan at mang-aagaw siya ng girlfriend ni Jeremy (Phillip Dunkel) sa mga unang episodes ng A.A.A.



So there, dear readers of Aliwan Avenue. Iyan po ang Apat Na Adan sa bagong TV show na "All About Adam" na magi-start na nga ng airing sa October 30 sa channel 13. Nakapag-tape na ng ilang episodes si direk Julius, at next year, month of February ay new season episodes na rin ang ite-tape nila. Direk Julius is a young director na magaling talaga, kaya let's support him and his "four Adams" sa TV show na "All About Adam"! Written, produced and directed by Julius Roden, at produced by Pagilas Entertainment productions.







No comments:

Post a Comment